22 November 2024
Calbayog City
Metro

MMDA at DPWH, bumabalangkas ng 50-year Drainage Master Plan

BUMABALANGKAS ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Public Works and Highways (DPWH) ng 50-Year Drainage Master Plan para sa National Capital Region (NCR).

Sa hearing ng House Committee on Public Works and Highways, sinabi ni MMDA General Manager Procopio Lipana na kabilang sa plano ang upgrade at expansion ng drainage network.

Aniya, kailangang makumpleto ang rehabilitasyon sa lahat ng internal drainage systems sa Metro Manila, lalo na’t halos lahat dito ay itinayo noong pang 1970s.

Bukod sa long-term master plan, inihayag ni Lipana na magtatayo rin ang MMDA ng bagong pumping stations na kayang tumanggap ng mas maraming volume ng tubig tuwing malakas ang buhos ng ulan o storm surges.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.