ARESTADO ang isang miyembro ng New People’s Army makaraang makasagupa ng militar ang mga rebelde, sa bayan ng San Isidro, sa Northern Samar.
Matapos ang maikling sagupaan, sa barangay Palanit, ay nagtungo ang mga miyembro ng 43rd Infantry “We Search” Battalion sa Sitio Kahidwangan sa barangay Happy Valley kung saan nadiskubre ang imbakan ng mga armas ng Communist Terrorist Group.
Narekober ng mga sundalo ang isang M16 rifle at walang lamang plastic short magazine para sa naturang armas.