Kumalat na sa labing apat na estado ang misteryosong respiratory illness na tumatama sa mga aso, ayon sa American Veterinary Association.
Sinabi ng grupo na sinisikap pa rin ng mga researcher na matukoy ang sakit, na maaring maging fatal, kung viral o bacterial, o kung variant ito ng canine disease na kilala sa tawag na “kennel cough.”
Kabilang sa mga sintomas nito ay ubo na tumatagal ng apat hanggang anim na linggo, na maaring mild brochitis o lumala sa pneumonia.
Sa Oregon, naiulat ang nasa dalawandaang kaso habang mayroon din sa California, Colorado, Florida, Georgia, Idaho, Illinois, Indiana, Maryland, Massachusetts, New Hampshire, Rhode Island, Vermont, at Washington.