IPINAGDIWANG ni Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel ang Pasko, gaya ng isang tunay na Pilipino.
Sa kanyang Instagram, ibinahagi ng beauty queen ang kanyang video habang nagluluto ng lumpia para sa kanilang family Christmas dinner.
ALSO READ:
Sa video, sinabi ni R’Bonney na inutusan siya ng kanyang kapatid na lalaki na i-air-fry ang frozen lumpia, subalit pinili niyang lutuin ito, in the classic way na deep-fried.
Bukod sa mga naihanda ng lumpia, dinagdagan pa ito ng former Miss U at nagbalot ng mga panibago, saka ipinatikim sa kanyang pamilya.
Noong Oktubre ay umuwi sa Texas si R’Bonney matapos manirahan sa Pilipinas noong 2024.




