SA ikalawang araw ng 20th Congress, nag-convene para sa kauna-unahan nilang Caucus ang Minority Bloc ng Senado.
Sa larawang ibinahagi ni Senate Minority Leader Senator Vicente “Tito” Sotto III, kasama niya sa pulong sina Senators Panfilo Lacson, Loren Legarda, Risa Hontiveros, at Juan Miguel Zubiri.
ALSO READ:
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Tinalakay sa Caucus, kahapon, ang mga inisyal na plano at Legislative Priorities para sa mga idaraos na sesyon.
Ayon kay Sotto, una pa lamang ito sa maraming Caucus ng Minority Bloc dahil marami aniya silang kailangang talakayin.
Regular na magkakaroon ng pulong ang Minority Bloc ayon kay Sotto para pag-usapan at pagkaisahan ang kanilang posisyon sa mga pangunahing National Issues at para isulong ang kanilang Legislative Agenda.