16 February 2026
Calbayog City
Entertainment

Mingyu ng Seventeen, magdaraos ng summer fan event sa Pilipinas

NAKATAKDANG painitin pa ni Mingyu ng Seventeen ang summer para sa kanilang fans sa Pilipinas dahil sa nakakasang fan meet nito sa Abril.

Inanunsyo ng isang chocolate brand na magsasagawa sila ng fan meet para sa kanilang K-Pop star ambassador sa April 11 sa Araneta Coliseum sa Quezon City.

Nag-post ang brand ng mechanics para sa fan event kung saan ang maswerteng fans ay mabibigyan ng pagkakataon na makita ang kanilang Seventeen crush in person.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).