21 May 2025
Calbayog City
National

Mid-Year Bonus, natanggap na ng mga kwalipikadong kawani ng gobyerno

KINUMPIRMA ng Department of Budget and Management (DBM) na nagsimula nang makatanggap ang mga kwalipikadong kawani ng gobyerno ang kanilang Mid-Year Bonus simula a-15 ng Mayo 2025.

Ayon sa DBM, kailangang ibigay agad sa tamang oras ng lahat ng ahensiya at tanggapan ng gobyerno ang bonus ng mga empleyado na naaayon sa umiiral na rules and regulations.

Ang Mid-Year Bonus ay katumbas ng isang buwang basic pay ng mga kuwalipikadong kawani ng gobyerno na nakapagsilbi ng hindi bababa apat na buwan simula Hulyo 1, 2024 hanggang ngayong Mayo 15, 2025 at patuloy na nagtatrabaho sa gobyerno.

Ang bonus na ito ay ibinibigay sa mga civilian personnel, kasama ang mga regular, casual, contractual employees maging ang mga appointive o elective positions, full-time o part-time, sa mga sangay ng executive, legislative, judicial branches, constitutional commissions, iba pang constitutional offices, State Universities and Colleges (SUCs), at Government-Owned or Controlled Corporations (GOCCs) na sakop ng Compensation and Position Classification System (CPCS), pati na rin ang mga Local Government Units (LGUs).

Kasama rin ang mga military at uniformed personnel tulad ng mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Philippine Public Safety College (PPSC), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Bureau of Corrections (BUCOR), Philippine Coast Guard (PCG), at National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA).

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).