BALIK sa spotlight si Michael Pacquiao, ang pangalawang anak nina Boxing Legend Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao.
Ito’y matapos mapansin ng mga netizen ang tila pagbabago sa ilong ni Michael, base sa mga kumalat na litrato nito sa online, kamakailan.
ALSO READ:
BB. Pilipinas Universe 1989 Sara Jane Paez Santiago, pumanaw sa edad na 58
Toni Gonzaga, itinanggi na sila ni Paul Soriano ang “power couple” na nasa blind item
BTS, dadalhin ang upcoming World Tour sa Pilipinas sa March 2027
TJ Monterde, kinilala bilang Artist of the Year at KDR Icon sa 11th Wish Music Awards
Nagsimula ang diskusyon sa social media matapos ibahagi ng isang Instagram user ang snapshots sa birthday ni Jinkee noong Jan. 13.
Marami ang nagsabing sumailalim sa nose enhancement ang nakababatang Pacquiao.
Mayroong nagtanggol kay Michael at sinabing karapatan nitong gawin kung ano ang gusto nito habang ang iba naman ay nagustuhan ang kanyang bagong itsura.
