PORMAL nang inatasan ng Department of the Interior and Local Government ang lahat ng lokal na pamahalaan na magpatupad ng 4-day work week.
Sa inilabas na Memorandum Circular ng DILG, ang mga LGU ay dapat mag-shift na sa apat na araw na onsite work lamang.
ALSO READ:
Dapat ding ipatupad ang mga sumusunod na pamamaraan para makatipid:
– 24 degrees Celsius standard para sa air-conditioning
– pagdaraos na lang ng virtual meetings
– paglimita sa official travel
– pagsasaayos ng fuel at fleet efficiency
– pagbawas sa paggamit ng elevator
– at bilisan ang pagpapatupad ng Government Energy Management Program




