NILAMON ng apoy ang isang eroplano ng Japan Airlines sa Haneda Airport sa Japan makaraang makasalpukan ang Coast Guard Aircraft na tumutulong sa earthquake relief efforts.
Ligtas namang nailikas ang lahat ng 379 na mga pasahero ng JAL Airlines.
Gayunman, limang crew members ng eroplano ng Coast Guard ang nasawi, habang ang kapitan nito ay nasa kritikal na kondisyon.
Nangyari ang insidente habang patungong Niigata Airport ang Coast Guard Plane para magdala ng ayuda sa mga biktima ng malakas na lindol na tumama noong Lunes, na ikinasawi ng apatnapu’t walong katao.