8 July 2024
Calbayog City
Overseas

Mga sundalong Israeli, nagdeliver ng krudo sa Shifa Hospital sa Gaza

NAGLABAS ng video ang Israeli Military kung saan ipinakita ang mga sundalo na patungo sa isang gusali habang may mga bitbit na mga galon.

Ang mga galon umano ay naglalaman ng krudo para magamit ng Shifa Hospital sa Gaza Strip.

Sinabi ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na inalok nila ng krudo ang ospital subalit tinanggihan ito.

Inihayag naman ng Israeli Military na inilagay nila ang tatlundaang litro ng krudo sa entrance ng ospital subalit hinarang ito ng Hamas.

Pinabulaanan naman ni Muhammad Abu Salmiya, Direktor ng Al Sihfa Medical Complex, na tinanggihan nila ang 300 liters ng diesel fuel, kasabay ng pagsasabing sarado ang lahat ng departamento dahil paubos na ang kanilang krudo, maliban sa emergency department.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *