TINIYAK ng Department of Transportation na magbabalik-operasyon na ang escalator ng Greenfield sa MRT-3 Shaw Boulevard Station southbound simula February 15, 2026.
Ito ay matapos inspeksyunin ni DOTr Secretary Giovanni Lopez at DOTr-MRT3 General Manager Michael Capati ang mga sirang escalator at maka-usap ang pamunuan ng Greenfield.
Nakatakda ring buksan ang Greenfield escalator sa northbound side ng Shaw station sa March 1, 2026.
Habang patuloy pa ang pagsasaayos sa mga escalator, maaaring dumaan ang mga senior citizens, persons with disabilities at mga buntis sa Station Building-A Shangri-La side sa Northbound at sa Station Building-A Starmall side sa Southbound.




