Tinawag ni defense secretary Gilberto Teodoro Jr. na ‘national security concerns’ ang mga sindikatong nagpapanggap bilang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hubs.
Iginiit ni Teodoro na dapat nang matigil ang pag-o-operate ng syndicated criminal activities na aniya ay nagpapahina sa financial standing ng bansa at nagsasamantala sa ating lipunan.
Mahigit P386-M na jackpot prize sa Ultra Lotto napanalunan ng nag-iisang bettor
DMW kumpiyansang maaabot ang 100 percent budget utilization ngayong taon
Dagdag na $100 sa minimum wage ng mga Pinoy domestic helpers ipatutupad ng DMW
Mga Pinoy marino na naipa-deport pauwi ng Pinas, inilapit ni Sen. Raffy Tulfo kay US Ambassador Carlson
Ginawa ng defense chief ang pahayag, isang araw matapos sabihin ng Philippine Navy na hindi pa ikinu-konsidera ang POGOs bilang banta sa national security, sa kabila nang sunod-sunod na raids sa Central Luzon sa mga POGO hub na sangkot umano sa mga iligal na aktibidad.
Binigyang diin din ni Teodoro na hindi niya kinikilala ang mga sinalakay na establisimyento bilang POGOs, na aniya ay traditionally Business Process Outsourcing (BPO) enterprises.
Idinagdag ng kalihim na sa Pilipinas nag-o-operate ang mga POGO para matakasan ang ipinagbabawal na sugal sa China, kaya mayroon talaga aniyang diperensya.