INILABAS na ng Senate Blue Ribbon Committee ang partial committee report nito sa isinagawang imbestigasyon kaugnay sa flood control scandal.
Nakasaad sa report ang rekomendasyon para maisampa ang kasong kriminal laban sa ilang mambabatas at iba pang kunektado sa gobyerno.
Kabilang sa mga inirerekomendang makasuhan sina Dating Congressman Zaldy Co, Dating Senador Bong Revilla Jr., Senator Jinggoy Estrada, Senator Joel Villanueva, Senator Chiz Escudero, At dating Congressman Mitch Cajayon-Uy.
Pinakakasuhan din ang mga sumusunod na personalidad:
Dating DepEd Usec. Trygve Olaivar
Maynard Ngu
Carleen Villa-Yap
JY Dela Rosa
isang nagngangalang “Mrs. Patron”
Loren Cruz
John Paul Estrada
Mark Ticsay
at isang alyas Peng
Kabilang sa mga kasong posibleng kaharapin ng mga nabanggit ay plunder, maling paggamit ng pondo ng bayan, graft, panunuhol at paglabag sa ethics law.




