Nagsasagawa ng imbestigasyon ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga reklamo kaugnay sa idinaos na Circus Music Festival kamakailan.
Ayon sa DTI, umabot na sa 42 reklamo ang kanilang natanggap laban sa organizer ng festival.
ALSO READ:
Rice Tariff Collections, aabot lamang sa 13 billion pesos dahil sa pinalawig na Import Ban sa bigas
PBBM, nilagdaan ang 8 Petroleum Service Contracts na nagkakahalaga ng 207 million dollars
Motorcycle Sales, lumobo ng 11.8 percent sa unang 8 buwan ng 2025
Debt Service Bill ng gobyerno, umakyat sa 665 billion pesos noong Agosto
Kabilang sa mga reklamo ang mapanlinlang na sales practices at kabiguang ibigay ang mga ipinangakong serbisyo at freebies na kasama dapat sa package ng biniling tiket ng mga consumer. Nakikipag-ugnayan na ang DTI sa event organizers para pagpaliwanagin ito hinggil sa mga reklamo.