NILINAW Metro Manila Development Authority (MMDA) na hindi kailangang maglagay ng “Not for Hire” Signage ang mga pribadong sasakyan.
Ginawa ng MMDA ang abiso kasunod ng kumalat na video sa social media kung saan hinuli ng MMDA enforcer ang driver ng pickup truck na may sakay na mga gamit dahil walang nakapaskil na “Not for Hire” Sign.
Ayon sa paliwanag ng MMDA, ang mga pribadong sasakyan na ginagamit bilang personal na sasakyan ng tao o produkto ng may-ari ay hindi pinagbabawal.
Ngunit kung ang sasakyan ay pinapaarkila o ginagamit sa pampasaherong biyahe, nangangailangan ito ng prangkisa mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Kung walang prangkisa at ginamit sa pagbiyahe o pamamasahada ay maaaring ituring ang sasakyan na Colorum.




