WALANG Pinoy na apektado sa nagpapatuloy na protesta sa Iran.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, patuloy na pinapaalalahanan ng embahada ng Philippines sa Tehran ang mga Pinoy doon na maging maingat at manatiling alerto.
Sinabi ni DFA Spokesperson Angelica Escalona, wala pa namang napapaulat na may Pinoy na nasaktan sa mga idinadaos na protesta.
Sa datos ng DFA mayroong 823 na Pinoy sa Iran at karamihan sa kanila ay permanent residents na doon kasama ang kanilang asawa at mga anak.




