NAGPAALALA ang Philippine Consulate General Office sa mga Pinoy sa Hong Kong kaugnay sa pagtanggap ng mga padalang bagahe.
Ayon sa abiso ng konsulada, dapat iwasan ang pagtanggap ng mga padalang bagahe kapalit ng libreng biyahe o karampatang bayad.
Sinabi ng konsulada na para makasiguro, dalhin lamang ang bagahe at gamit na personal nilang inempake.
Ito ay para matiyak na hindi mabibiktima ng mga nagpapadala ng ilegal na gamot, endangered species, vape at iba pang bawal na bagay.




