22 May 2025
Calbayog City
National

Mga pantalan, pinaghahanda sa inaasahang pananalasa ng bagyong Ofel

PINAGHAHANDA na ang mga pantalan sa bansa sa inaasahang pananalasa ng bagyong “Ofel”.

Naglabas ng memorandum ang Philippine Ports Authority, na nag-atas sa lahat ng port managers na magsagawa ng pre-disaster risk assessment sa port infrastructure, facilities, at equipment.

Ito ay upang matukoy ang mga maaaring mapinsala, at mailatag ang preventive measures.

Pina-activate na rin ang emergency response teams, at ipinag-utos ang pag-review sa evacuation plans, gayundin ang pagpapatupad ng safety protocols sa safeguard personnel, port users, at assets. 

Inatasan din ang mga pinuno ng port na makipagtulungan sa Philippine Coast Guard, Local Disaster Risk Reduction and Management Offices, at iba pang ahensya, at panatilihin ang communication lines sa PPA Operations center para sa situational reports at pagtanggap ng mga kaukulan pang utos.

Inaasahang maapektuhan ng bagyong Ofel ang Eastern Seaboards ng Luzon.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.