INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nationals agencies at local governments na paigtingin ang kanilang paghahanda ngayong typhoon season, o mula Hulyo hanggang Oktubre.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary, Atty. Claire Castro, kabilang sa ongoing efforts ay ang paglilinis sa mga pangunahing daluyan ng tubig, kabilang ang dalawampu’t tatlong mga estero na tinukoy sa Metro Manila.
Aniya, tutulong din sa Clearing Operations ang TUPAD Program ng Department of Labor and Employment (DOLE). Ipinag-utos din ng pangulo ang pag-activate sa Local Disaster Risk Reduction and Management Offices, Emergency Operations Centers, at Evacuation Preparedness Activities, kabilang na ang Community Drills and Exercises.