KINUMPIRMA ng Malakanyang ang pagdalo ng executive officials sa susunod na hearing ng senado sa pagdakip kay Dating Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang buwan.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary, Atty. Claire Castro, nagbigay ang Office of the Secretary ng listahan ng mga opisyal na maaring dumalo sa hearing.
ALSO READ:
Pilipinas, isinantabi ang pagde-deploy ng Navy Ships sa Panatag Shoal
Mosyon ng Kamara sa nabasurang Articles of Impeachment laban kay VP Sara, ipinababasura sa Supreme Court
Comprehensive Economic Partnership Agreement, lalagdaan na ng Pilipinas at UAE
AKAP Program, magpapatuloy sa kabila ng Zero Proposed Budget para sa 2026
Kinabibilangan aniya ito nina”
- Justice Secretary Jesus Crispin ”Boying” Remulla;
- Prosecutor General Richard Anthony Fadullon;
- Chief State Counsel Dennis Arvin Chan;
- Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo;
- Philippines Center on Transnational Crime Executive Director Anthony Alcantara;
- Philippine National Police Chief General Rommel Francisco Marbil;
- PNP-Criminal Investigation and Detection Group Chief Major General Nicolas Torre III;
- Migrant Workers Secretary Hans Cacdac;
- Special Envoy Markus Lacanilao;
- Atty. RJ Bernal; at
- Atty. Ferdinand Loji Santiago.
Sinabi ni Castro na nirerespeto ng Marcos Administration ang panawagan ng senado sa executive officials na dumalo sa kanilang imbestigasyon hinggil sa naturang usapin.
Itinakda ng senado ang susunod na hearing sa April 10, araw ng Huwebes.