PINANGUNAHAN nina Samar First District Congressman Jimboy Tan, Calbayog City Mayor Monmon Uy, at Vice Mayor Rex Daguman ang pamamahagi ng cash assistance sa mga biktima ng sunog sa Barangay Himalandrog sa naturang lungsod
Nagbigay ang Provincial Government sa pamamagitan ni Governor Sharee Ann Tan, district office ni Cong. Tan, at LGU Calbayog sa pamamagitan ni Mayor Uy ng tig-sampunlibong piso o kabuuang tatlumpung libong piso na ayuda sa bawat pamilya upang tulungan sila sa kanilang pagbangon.
Pinasalamatan ni Cong. Tan si Brig. Gen. Efren Morados ng 803rd Infantry Brigade sa mabilis na tugon sa kanilang tawag para mapuntahan ang mga pamilyang naapektuhan ng insidente.
Ang ipinamahaging cash assistance ay nagbigay ng pag-asa sa mga biktima ng sunog sa Barangay Himalandrog.