15 March 2025
Calbayog City
Overseas

Mga nagwewelgang doktor sa South Korea, binigyan ng pamahalaan ng hanggang katapusan ng Pebrero para bumalik sa kanilang mga trabaho

south korea

Binigyan ng pamahalaan ng South Korea ang mga nakababatang doktor ng hanggang katapusan ng Pebrero para bumalik sa kanilang mga trabaho.

Ito ay kung ayaw nilang maparusahan sa paglulunsad ng isang linggong kilos protesta na nagresulta sa pagkaantala ng serbisyo sa mga pasyente sa iba’t ibang malalaking ospital.

Nag-walkout ang two thirds ng resident at intern doctors mula sa kanilang mga trabaho para tutulan ang ang plano ng pamahalaan na itaas ang bilang ng mga estudyanteng tatanggapin sa medical school upang matugunan ang kakulangan sa mga doktor.

Dahil sa inilunsad na kilos-protesta ay napilitan ang mga ospital na tanggihan ang mga pasyente at kanselahin ang mga procedures.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *