UMABOT na sa mahigit isanlibo katao ang nasawi sa Hajj Pilgrimage sa Saudi Arabia ngayong taon, sa gitna ng matinding init sa Holy Sites sa Desert Kingdom.
Mahigit kalahati ng bilang ng mga nasawi ay mula sa Egypt, ayon sa dalawang opisyal mula sa Cairo, kung saan sinabi ng mga otoridad na binawi nila ang lisensya ng labing anim na travel agencies na tumulong sa mga hindi otorisadong pligrims na bumiyahe patungong Saudi.
EU States, hindi palalawakin ang kanilang naval operations para ma-secure ang Strait of Hormuz
US President Trump at British Prime Minister Starmer, tinalakay ang muling pagbubukas ng Strait of Hormuz
Mahigit 50 cultural sites sa Iran, nasira sa mga pag-atake ng US at Israel
Barko lang ng Amerika ang bawal dumaan sa Strait of Hormuz
Inanunsyo ng Egyptian ang pagkamatay ng tatlumpu’t isang authorized pilgrims bunsod ng chronic diseases sa Hajj ngayong taon, subalit wala pang inilalabas na official tally para sa iba pang pilgrims.
Hindi pa rin nagko-komento ang Saudi Arabia tungkol sa mga nasawi sa pilgrimage na obligadong pagdaanan ng mga muslim nang isang beses habang sila ay nabubuhay.
