INATASAN ng Department of the Interior and Local Government ang mga Local Government Units na magtaas na ng alerto at maghanda na sa Bagyong Ada.
Ayon sa DILG, dapat habang maaga tukuyin na ang mga high-risk areas at agarang ipatupad ang paghahanda sa bagyo.
ALSO READ:
Inatasan din ng DILG ang LGUs na i-convene ang kanilang Local Disaster Risk Reduction and Management Councils para magsagawa ng Pre-Disaster Risk Assessments.
Dapat ding tiyakin na ang kanilang Emergency Operations Centers at incident management teams ay fully operational at handing i-activate anumang oras.
Ayon sa DILG, kapag ganitong may sama ng panahon, kritikal ang pagiging handa ng LGUs mula sa barangay level upang masiguro ang kaligtasan ng mga residente.




