INALIS sa mga news organizations, gaya ng Getty, Reuters, Associated Press at Agence France-Presse ang isinapublikong litrato ni Princess Kate ng Britanya.
Ang nasabing larawan, kasama ang tatlong anak ay kuha mismo ng kanyang mister na si Prince William noong Mother’s Day.
Ito ang unang litrato ng Princess of Wales na isinapubliko matapos ang kanyang abdominal surgery noong Enero.
Ang pagbawi ng litrato ay dahil umano sa photo manipulation o pag-edit sa picture ng apat na organisasyon.
Samantala, maglalabas naman ng updates ang Kensington Palace sa oras na makarekober mula sa kanyang surgery si Princess Kate.