19 January 2026
Calbayog City
National

Mga kabataang Pinoy hinikayat ni Pangulong Marcos na gawing inspirasyon at halimbawa ang buhay ni Apolinario Mabini

marcos apolinario mabini

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga kabataang Pilipino na gawing inspirasyon at halimbawa ang buhay ni Apolinario Mabini upang magsikap sa buhay.

Ginawa ng angulo ang panawagan sa pagdiriwang ng ika-160 na kaarawan ni Apolinario Mabini sa Lungsod ng Tanauan, Batangas.

“Tinatawagan ko ang mga kabataang Pilipino ngayon na gawing inspirasyon at halimbawa ang buhay ni Apolinario Mabini upang magpunyagi sa buhay,” ayon sa pangulo.

Hinikayat din ni Pangulong Marcos ang mga kabataang Pinoy na unawain ang mga “pilosopiyang pampulitika at panlipunan” ni Mabini upang magsilbing inspirasyon ang mga ito sa pamamagitan ng pakikiisa sa pagbuo ng progresibong Bagong Pilipinas.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.