14 March 2025
Calbayog City
Local

Mga isyung may kinalaman sa barangay, tinalakay sa Consultative Meeting sa Calbayog City

consultative meeting

Nagpatawag si Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy ng Consultative Meeting, kasama ang mga punong barangay sa lungsod upang talakayin ang mga isyu na maaring resolbahin sa grassroot level.

Nasa dalawampung punong barangay na saklaw ng proposed Calbayog City Development Authority ang present sa pulong, na dinaluhan din ng city councilors, concerned department heads, mga kinatawan mula sa iba’t ibang national agencies, at ni DILG-Calbayog LGOO Gretchen Mae Corrales. 

Sa kanyang maikling mensahe, hinamon ni Vice-Mayor Rex Daguman ang mga opisyal ng barangay na bigyan ng mas magandang serbisyo ang kanilang constituents.

Samantala, iprinisinta ni Mayor Mon ang ilang proposed at ongoing infrastructure projects sa lungsod, partikular ang second phase ng streetlight installation at ang pagkumpleto sa Barangay Balud boardwalk at road projects. 

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *