SISIMULAN ngayong taon ang pagsasaayos sa mga istasyon ng EDSA Busway Rehabilitation para mas maging maginhawa at maayos ang biyahe ng mga commuter.
Ayon kay Department of Transportation Secretary Vince Dizon, lahat ng EDSA Busway Stations ay itutulad sa SM North Station.
ALSO READ:
Sinabi ni Dizon na iniutos ng pangulo na gawing “commuter-centric” ang approach ng pamahalaan kaya kailangang pagbutihin ang mga imprastruktura ng Public Transport.
Ayon sa kalihim ang Phase 1 ng EDSA Busway Rehab ay magsisimula muna sa apat na istasyon, habang susundan naman ito ng tatlong istasyon sa Phase 2 kasama na ang PITX at Cubao stations.
Sa datos ng DOTr, mayroong 250,000 na commuter ang gumagamit ng EDSA Busway araw-araw.