TINIYAK ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ligtas kainin ang isang tawilis mula sa Taal Lake.
Kasunod ito ng pagbubunyag ng whistleblower na itinapon sa lawa ang mga bangkay ng mga nawawalang sabungero na dinukot noong 2021.
Paliwanag ng BFAR, walang dapat ipangamba dahil ang tawilis ay maliliit na isda na nananatili sa mababaw na tubig at ang kinakain nila ay planktons, at hindi sila carnivorous.
Nilinaw din ng ahensya na ang iba pang mga isda, gaya ng tilapia at bangus, ay karaniwang inaalagaan sa fish pens, at at hindi malayang nakalalangoy sa Taal Lake.