NASA tatlundaang containers ng bigas na nakatengga sa Manila International Container Terminal ang pinullout na ng ilang importers, ilang araw matapos maalarma ang Department of Agriculture (DA) at Philippine Ports Authority (PPA) bunsod ng posibilidad ng hoarding at magresulta ng pagtaas ng presyo.
Umaasa si PPA General Manager Jay Santiago na hanggang sa katapusan ng Setyembre ay tuluyan nang mababawasan ang overstaying na containers na naglalaman ng bigas.
Airline companies, pinaalalahanan ng DOTr sa pagbibigay ng napapanahong flight updates sa mga pasahero
Asian Development Bank, nagtalaga ng bagong Country Director sa Pilipinas
Foreign Investment Pledges, bumagsak ng 64% sa ika-2 quarter ng taon
Philippine Rice Import Forecast, ibinaba ng USDA bunsod ng 2 buwan na ban sa pag-aangkat ng bigas
Una nang iniulat ng PPA na 888 container vans na naglalaman ng tinatayang 20 million kilos ng imported rice ang iniwang nakatengga sa pier sa Maynila, kasabay ng paniniwala na maaring sinadya ito ng mga consignee bilang paghahanda kapag tumaas ang presyo ng bigas sa mga pamilihan.
Binalaan din ng DA ang mga importer na posibleng kasuhan sila ng hoarding dahil sa unclaimed container vans.