SIYAM na dating rebelde sa Northern Samar at anim na iba pa sa Leyte ang inisyuhan ng Safe Conduct Passes (SCPs).
Senyales ito ng patuloy na progreso ng Amnesty Program ng pamahalaan na naglalayong isulong ang mapayapang reintegration at mabawasan ang Local Armed Conflict.
Militar sa Eastern Visayas, nanawagan sa mga rebelde na magnilay-nilay ngayong Semana Santa
“Pintahang Pagkakaisa,” pinangunahan ng kabataang artists sa Tacloban City para isulong ang nasyonalismo
Halos 300 senior high student sa Leyte, na-hire on the spot sa job fairs
Higatangan Festival sa Biliran, kinansela sa gitna ng lumolobong presyo ng produktong petrolyo
Sa northern Samar, ni-release ng National Amnesty Commission (NAC), sa pamamagitan ng Local Amnesty Board (LAB)-Catbalogan, ang SPCs sa siyam na benepisyaryo sa isang seremonya sa headquarters ng 19th Infantry Battalion ng army sa Barangay Opong, sa bayan ng Catubig.
Sa ngayon ay umabot na sa animnapu’t siyam na dating rebelde ang nag-apply para sa Amnesty.
Sa naturang bilang, dalawampu’t tatlo ang nabigyan na ng SPCs, kabilang ang siyam na bagong recipients.
Inaasahang namang matatanggap ng labing apat na iba pa ang kanilang passes sa mga susunod na araw.
