MAINIT na tinanggap ng Filipino fans ang “Superman” stars na sina David Corenswet at Rachel Brosnahan, filmmaker na si James Gunn at producer na si Peter Safran, sa Bridgetowne Open Grounds sa Pasig City.
Ang fan meeting kahapon ay ibinahagi ng direktor na si Frasco Mortiz sa kanyang social media post.
Noong Miyerkules naman ng gabi ay isang Look Up Drone Show ang isinagawa sa Bridgetowne Open Grounds.
Ang pagbisita nina Corenswet, Brosnahan, Gunn at Safran ay bahagi ng Superman World Tour.
Ipalalabas ang pelikula sa mga sinehan sa July 9.