Patay ang isang Barangay Chairwoman makaraang pagbabarilin ng riding in tandem sa Ilocos Norte.
Sakay ng ELF truck ang biktima na si Helen Abrigado, animnapu’t limang taong gulang, punong barangay ng Ferdinand Marcos, nang tambangan ito ng mga salarin.
Sa inisyal na imbestigasyon, pauwi na si Abrigado mula sa lantern parade nang sabayan sa kalsada ng mga naka-motorskilong salarin ang sasakyan nito saka ilang beses pinaputukan.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang motibo, maging ang mga nasa likod ng pagpaslang.