24 November 2025
Calbayog City
National

Melai, ibinandera ang TRABAHO Partylist sa ‘vote-rich’ Malabon

Maghapong ibinandera ni Melai Cantiveros-Francisco ang TRABAHO Partylist, bilang 106 sa balota, sa pag-ikot nito sa buong Malabon ngayong Linggo, ika-16 ng Marso.

Lulan ng motorcade kasama ang nominee ng TRABAHO na tubong Malabon, sinuyod nila ang 21 barangay na may rehistradong botante na hindi bababa sa 233,868, ayon sa datos ng COMELEC noong nakaraang eleksyon.

“Alam niyo po ba na ang first nominee ng TRABAHO na si Atty. Johanne ay taga-Malabon po? Siya po ang magiging boses natin sa opisina [ng Kongreso],” pagbibida ng celebrity advocate.

Nakipagpalitan ng pagbati at pakikipagkumustahan ang grupo sa mga residente ng Malabon, at namigay rin ng mga brochure na may listahan ng platapormq at adbokasiya para sa mga manggagawa.

Proud na nag-abang ang mga dating kaklase sa elementarya at hayskul ng first nominee, pati na rin ang kaniyang mga kamag-anak sa mga lugar na dinaanan ng motorcade maliban pa sa ibang mga supporters.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).