PATULOY ang Search Operations ng mga otoridad para mahanap ang dalawa pang katao na sakay ng truck na nahulog sa ilog sa Bontoc, Mountain Province.
Ayon sa Bontoc Emergency Operations Center umaga ng Lunes, Oct. 27 nang matanggap nila ang tawag sa aksidenteng naganap sa bahagi ng Barangay Tocucan sangkot ang isang blue elf truck, Ford Fiera, at mini dump truck.
Dahil sa aksidente ay nahulog sa ilog ang elf truck nap ag-aari ng kumpanyang Balintaugan Construction at lumubog ito sa tubig.
Tatlo sa mga sakay nito ang natagpuang wala nang buhay sa Chico River na nakilalang sina Rogelio Dela Cruz, at Jessie Galacia na kapwa taga Pangasinan at si Zoren Jay Tala, driver na mula naman sa Zamboanga. Patuloy naman na pinaghahanap ng mga otoridad ang dalawa pa na sina Carlo Ancheta at Edmund Romeo.




