PATAY ang kasalukuyang alkalde ng bayan ng Rizal sa lalawigan ng Cagayan matapos barilin habang nasa campaign rally Miyerkules (Apr. 23) ng gabi.
Naisugod pa ang biktimang si Mayor Atty. Joel Ruma sa Tuao District Hospital subalit binawian din ng buhay habang nilalapatan ng lunas.
Senior citizens na nakatanggap ng Social Pension noong nakaraang taon, lagpas pa sa target
Pangulong Marcos, nagbigay ng financial assistance at medical equipment sa ospital sa Cebu
Dating DPWH Sec. Manuel Bonoan, maari nang i-deport ng US, ayon kay Ombudsman Remulla
Atong Ang, Number 1 Most Wanted sa bansa ayon sa DILG; Red Notice laban sa negosyante, ihihirit ng pamahalaan
Nagtamo ng isang tama ng bala sa katawan ang alkalde.
Batay sa inisyal na ulat ng pulisya, pasado alas nuebe ng gabi nang pagbabarilin ang alkalde sa loob ng Gymnasium ng Barangay Iluru.
Dalawa pa ang nasugatan sa insidente ng pamamaril.
Agad namang nagsagawa ng hot pursuit operations ang mga tauhan ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO) para madakip ang suspek sa krimen.
Si Mayor Ruma at asawa nito na si Atty. Brenda Ruma ay kapwa muling tumatakbo bilang alkalde at bise alkalde sa bayan ng Rizal ngayong eleksyon.
