NAKALIGTAS sa pananambang si Mayor Akmad Ampatuan ng Shariff Aguak sa Maguindanao del Sur matapos na pagbabarilin ang kaniyang convoy umaga ng Linggo, January 25.
Ayon sa executive assistant ng alkalde na si Anwar Kuit Emblawa, ligtas at hindi nasaktan ang alkalde habang sugatan ang dalawa niyang escort.
ALSO READ:
Nakasuot ng bulletproof si Ampatuan nang tambangan ang sinasakyan nilang SUV at ang backup vehicle nito.
Gumamit ng Rocket Propelled Grenade ang mga suspek na sakay ng isang minivan.
Samantala, kinumpirma naman ng Police Regional Office sa Bangsamoro na nasawi ang tatlong suspek sa pananambang sa ikinasang hot pursuit operation sa Datu Unsay, Maguindanao del Sur.
Patuloy din ang imbestigasyon sa insidente.




