INATASAN ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang mga opisyal ng lungsod na pormal na sumulat sa Meta (Facebook) Philippines at hilingin na agad maibalik ang official Facebook page ng Manila Public Information Office (MPIO), na nananatiling nasa ilalim ng kontrol ng dating city employees.
Ginawa ng alkalde ang direktiba sa unang meeting ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC), kasabay ng pagbibigay-diin ng kahalagahan ng page sa pagbibigay ng napapanahon at accurate na impormasyon, lalo na tuwing may emergencies.
Mahigit 1,300 na paglabag sa bahagi ng La Salle Green Hills, nahuli sa NCAP ng MMDA
Minimum Wage Earners, dapat bigyan din ng 50% discount sa LRT at MRT
Pumping Station sa Quezon City na itinayo ng DPWH sa Non-Building Area, pinagigiba ng LGU
Luncheon meat, beer galing China nakumpiska ng CIDG; 7 kabilang ang 5 Chinese arestado
Ipinag-utos din ni yorme na ipabatid sa Meta na ilipat ang Administrative Control ng page sa bagong talagang Public Information Officer ng Maynila na si Director E-Jhay Talagtag.
Sa hiwalay na post, sinabi ni Moreno na sa ngayon ay gagamitin muna niya ang sariling page para sa mga anunsyo at abiso na may kinalaman sa lungsod.