ISANG mataas na opisyal ng New People’s Army (NPA) ang napaslang sa engkwentro laban sa tropa ng pamahalaan sa Barangay Cawayan, Catbalogan City, sa Samar.
Kinilala ng Philippine Army ang nasawing rebelde na si Artemio Solayao, pinuno ng squad 2, Yakal Platoon sa ilalim ng Eastern Visayas Regional Party Committee.
ALSO READ:
50 million pesos na DOST hub at training center, itatayo sa Leyte
DOLE, naglabas ng 19 million pesos na settlement relief sa mahigit 1,000 manggagawa sa Eastern Visayas
Mahigit 1,000 rice farmers sa Northern Samar, tumanggap ng ayuda sa gitna ng MABABANG farmgate prices
DOST, naglaan ng 600 million pesos para sa pagsusulong ng smart farming technologies
Ayon sa 8th Infantry Division na naka-base sa Catbalogan City, matapos ang labinlimang minutong bakbakan ay iniwan ng mga rebelde ang napaslang nilang kasamahan, pati na ang isang kalibre kwarenta’y singko.
Si Solayao ay mayroong multiple warrants of arrest bunsod ng iba’t ibang krimen, kabilang ang pagsalakay sa 14th IB sa Barangay Maypandandan sa Catbalogan City noong 2014.
