Inaasahang magiging operational na sa susunod na buwan ang bagong ayos na paliparan sa Antique.
Ayon kay Department of Transportation Undersecretary for Aviation Jim Sydiongco, bago matapos ang Oktubre ay target na maisagawa ang inagurasyon sa bagong paliparan.
Si Sydiongco, kasama sina Antique Governor Paolo S. Javier, at CAAP Director General Lt. Gen. Raul del Rosario ay nagsagawa ng inspeksyon sa Evelio B. Javier Airport sa bahagi ng Barangay Funda-Dalipe, San Jose de Buenavista.
Bago ang October 1, ang operational offices na nasa old airport ay ililipat na sa bagong passenger terminal.
Ayon kay Governor Javier sa sandalling maging operational na ang bagong passenger terminal ng EBJ Airport inaasahang makatutulong ito sa turismo sa probinsya at local economic development.
Sa ngayon, mayroong tatlong beses na biyahe kada linggo ang Philippine Airlines sa EBJ Airport sa pagitan ng San Jose de Buenavista, Antique at Manila.