LUMIIT ang fiscal gap ng pamahalaan noong Agosto sa gitna ng paglago ng state collections at pagbabawas ng expenditures sa naturang buwan.
Sa datos na inilabas ng Bureau of Treasury, naitala sa 54.2 billion pesos ang budget deficit ng National Government noong nakaraang buwan, na mas mababa ng 59.25 percent kumpara sa 133-billion peso fiscal gap noong August 2023.
Ayon sa Treasury, ang bumabang deficit ay dulot ng 24.4 percent na paglago sa koleksyon ng pamahalaan, kasama ang 0.68 percent na pagliit ng government expenditures.
Dahil dito, nasa 697 billion pesos ang budget shortfall simula Enero hanggang Agosto, na mas mababa ng 4.86 percent mula sa 732.5-billion peso deficit sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Ang budget gap sa unang walong buwan ay katumbas ng 46.95 percent ng inaasahang 1.5-trillion peso full-year fiscal shortfall para sa kasalukuyang taon.