14 October 2025
Calbayog City
Local

Mas malawak at komportableng new SSS Building, pinasinayaan sa Calbayog City

sss calbayog city

PORMAL nang pinasinayaan ang bagong Office Building ng Social Security System (SSS) Branch sa Calbayog City. 

Nanguna sa pagbabasbas sa bagong tanggapan at pasilidad ng SSS si Most Reverend Isabelo C. Abarquez, ang Obispo ng Calbayog. 

Ayon kay SSS Senior Vice President, Visayas Operations Group, Helen C. Solito, kabilang sa kanilang mga ikinukonsodera sa paglipat sa bagong location ay ang convenience ng kanilang mga miyembro at malaking matitipid sa renta ng pasilidad. 

Sinabi naman ni Atty. Dario C. Tan, acting branch head ng SSS Calbayog, simula nang lumipat sila sa bagong lokasyon sa 5RR Building, Yrigan Road, University Town Center Compound, ay tumaas ang kanilang walk-in clients. 

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).