15 October 2025
Calbayog City
National

Mas malaking impluwensya ng pamahalaan sa NGCP sa pamamagitan ng investment sa Maharlika Fund, tiniyak ni Pangulong Marcos

GINARANTIYAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang mas malaking impluwensya ng pamahalaan sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), sa pamamagitan ng kukuhaning 20 percent shares ng Maharlika Investment Corporation (M-I-C).

Sinabi ng Pangulo na ang naturang hakbang ay para sa mas matatag na supply ng kuryente at pagpapanatili ng makatarungang presyo para sa bawat Pilipino.

Idinagdag ng punong ehekutibo na sa kauna-unahang pagkakataon mula nang maitatag ang NGCP ay magkakaroon na ng boses ang taumbayan sa mahahalagang desisyon nito.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).