NAHAHARAP sa mas mahabang suspensyon si Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga bunsod ng patuloy nitong mga post sa social media at mga hindi naaayong pahayag matapos ipataw ang animnapung araw na suspensyon sa kaniya.
Ayon kay Tingog Partylist Rep. Jude Acidre, ito ay kung may bagong ethics complaint na maihahain laban sa kongresista.
ALSO READ:
3.3 milyong katao, dumalo sa Sinulog festival
Cong. Leviste at mga self-claimed DDS, iisa ang agenda, ayon sa Malakanyang
Dating DPWH Secretary Manuel Bonoan, walang nilabag sa polisiya ng BI kahit hindi agad nakauwi ng bansa
Senior citizens na nakatanggap ng Social Pension noong nakaraang taon, lagpas pa sa target
Ang unang suspensyon kay Barzaga ay nakatakdang matapos sa unang Linggo ng Pebrero.
Pero nauna nang lumutang ang posibilidad na magkaroon ng ikalawang ethics complaint kay Barzaga dahil sa patuloy umano nitong paglalabas ng hindi naaayon na pahayag sa kabila ng pag-iral ng suspensyon sa kaniya.
