INAASAHAN ni pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mas magandang Tacloban Airport sa susunod na dalawang taon.
Ginawa ng pangulo ang pahayag sa pamamahagi ng Presidential Assistance to Farmers and Fisherfolks sa Palo, Leyte.
1-billion peso support fund, magpapalakas sa zero balance billing sa provincial hospitals
DOH, binuksan ang kauna-unahang mall-based wellness clinic sa Eastern Visayas
BFAR, nagsasagawa ng assessment kaugnay ng iligal na pangingisda sa Eastern Visayas
Halos 1,300 na residente sa Calbiga, Samar, may direktang access na sa malinis at ligtas na inuming tubig
Sa kanyang talumpati, inihayag ni pangulong Marcos na patuloy ang pagsasaayos sa Tacloban Airport na pinag-laanan ng dalawa punto limang bilyong piso.
Aniya, sinabi sa kanya ni speaker Martin Romualdez na malapit nang matapos ang pagkukumpuni at posibleng sa susunod na taon ay mapasinayaan na ang terminal.
Ang Tacloban Airport Development Project ay kinapapalooban ng konstruksyon ng bagong Passenger Terminal Building phases I at II, at pagsasaayos ng runway at airport perimeter road.
Inaasahang makukumpleto ang mga naturang proyekto pagsapit ng Enero ng 2026.
