SINAMANTALA ng Eastern Visayas ang kawalan ng malalakas na bagyo ngayong taon upang makapagtayo ng maraming disaster-resilient communities sa rehiyon na madalas tamaan ng kalamidad.
Sinabi ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) na dahil kakaunti ang tumamang bagyo ngayong taon, nagkaroon ang mga lokal na otoridad na iligtas ang kanilang resources upang mapagaan ang mga epekto ng climate change para sa hinaharap.
Ang Eastern Visayas ay kabilang sa mga lugar na lubhang naaapektuhan ng mga bagyo na nabubuo sa Western Pacific Ocean.
Hanggang sa kasalukuyan, ang pinaka-mapaminsalang bagyo na nag-landfall sa rehiyon at sumubok sa katatagan at post-disaster recovery ng Eastern Visayas ay ang Super Typhoon Yolanda noong 2013.
Ngayong 2023, ang mga Bagyong Betty at Egay, pati na ang shear line, ang nagdulot ng pagbaha sa ilang lugar sa Leyte at Samar Provinces.