Dumating na sa bansa ang Filipina death row convict na si Mary Jane Veloso, makalipas ang labing apat na taong pagkakabilanggo sa Indonesia sa kasong drug trafficking.
Una nang kinumpirma ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. na ikukulong si Mary Jane sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City.
2026 Budget ng DPWH, puno pa rin ng Kickback – Cong. Leviste
Pangulong Marcos ininspeksyon ang Camalaniugan Bridge Project at pinasinayaan ang Water Impounding sa Cagayan
Public Access sa SALN, iniutos ni Ombudsman Remulla
Mayorya ng mga Pinoy, galit sa maanomalyang Flood Control Projects – OCTA Survey
Ayon pa kay Catapang, naghanda ang CIW ng adobong baboy at pastillas, bilang pagbibigay sa kahilingan ni Mary Jane.
Iku-quarantine din siya sa loob ng limang araw at isasailalim sa orientation at security evaluation sa susunod na limampu’t limang araw bagong i-detain sa isang regular na selda.
Kahapon ay inihayag ng abogado ni Mary Jane na si Atty. Edre Olalia, na ihihirit nila kay pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mabigyan ito ng Christmas pardon.