25 April 2025
Calbayog City
National

COA, pinuna ang UP sa kawalan ng aksyon sa hindi pa natatapos na multi-million IT project

coa up

Bigo ang University of the Philippines (UP) na aksyunan ang lahat ng rekomendasyon ng Commission on Audit (COA) para maresolba ang matagal nang na-delay na 134.6-million peso digital infrastructure project.

Kabilang dito ang pangongolekta ng penalties at pag-blacklist sa isang subsidiary ng isang telecommunications giant, batay sa annual financial report ng state auditors.

Sa 2023 COA findings, pinuna ang kabiguan ng UP na ipatupad ang accountability measures laban sa digital service subsidiary ng isang major telco  para sa e-UP project.

Kasama sa inirekomenda ng COA ay pangongolekta ng danyos mula sa e-PLDT, pag-delist sa subsidiary mula sa government projects, at pagde-demand ng completion sa undelivered project components.

Ang naturang proyekto ay nilagdaan noong 2012 sa ilalim ni noo’y UP President Alfredo Pascual, sa layuning ma-integrate ang academic systems sa lahat ng UP campuses.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.