21 November 2024
Calbayog City
National

Mary Jane Veloso makakauwi na sa bansa ayon kay Pangulong Marcos

KINUMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makababalik na ng bansa ang Pinay na si Mary Jane Veloso.

Si Veloso ay nahatulang guilty sa kasong drug trafficking at nasentensyahan ng kamatayan sa Indonesia.

Ayon kay Pangulong Marcos, matapos ang mahigit isang dekadang diplomacy at konsultasyon sa Indonesian government, nagawa ng pamahalaan na maipa-delay ang parusang kamatayan kay Veloso. At ngayon, masayang ibinalita ng pangulo na pumayag na ang gobyerno ng Indonesia na makauwi ng bansa si Veloso.

“Mary Jane’s story resonates with many : a mother trapped by the grip of poverty, who made one desperate choice that altered the course of her life. While she was held accountable under Indonesian law, she remains a victim of her circumstances,” ayon sa pangulo.

Una nang sinabi ng DFA na dito na sa pasilidad na sa Pilipinas bubunuin ni Veloso ang kaniyang sentensya. Taong 2010 nang maaresto si Veloso dahil sa pagdadala ng mahigit dalawang kilo ng cocaine sa Indonesia.

(DDC)

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.